By Stephen DeMeulenaere, 2000
Sa nakaraang anim na libong taon, maraming mga pamayanan ang nagpalabas, namahala at nagpalakad ng kani-kanilang mga pananalapi. Upang mapanatili ang mga kinakailangan ng tao sa isang pamayanan, ang pag-gamit ng mga ganitong pananalapi ay nagbibigay ng proteksyon sa pamayanan mula sa kahirapang pang-ekonomiya. At bilang ang mga sistemang pang-ekonomiya ay umuunlad sa mga porma na nakikita natin ngayon, ang pananalaping pang-kumunidad ay nagbabago rin para naaayon sa pangkasalukuyan pero hindi nawawala ang kanyang kahalagahan sa pag-aayos, pag-papalabas and pamamahala ng mga miembro ng pamayanan.
Pagkaraan ng mga ilang daang taon sa ilalim ng dominasyon ng mga pambansang pananalapi, ang kanilang kapangyarihan ay humihina na o nawawalang bisa na. Ang pagbangon ng isang supra-nasyonal ng mga pananalapi kagaya ng Euro, ang malawakang pag-gamit ng Dolyar sa labas ng America, at ang mga sunod-sunod na malakihang krisis sa pananalapi sa Asia at sa America ay nagpapahina ng monopoliya ng mga pambansang pananalapi sa loob ng kanilang pook o rehiyon. Bilang sagot, ang mga pamayanan ay nagpapakilala ng mga pangpamayanang pananalapi para maprotektahan sila mula sa mga krisis. Sa loob ng 20 taon, ang mga sistemang pananalapi sa pamayanan ay naisaayos at napagtibay sa 35 ng mga bansa sa buong mundo, na mayroong pang iba na mga plano sa pang rehiyon.
Ang mga pananalaping pampamayanan ay isang organisado at pinamamahalaan ng mga sistemang pagpapalitan ng mga local na mga produkto at mga serbisyo sa pamamagitan ng pag-gamit ng pananalaping walang tubo na ang sirkulasyon ay limitado lamang sa isang partikular na lugar ayon sa kaunawaan ng pamayanan. Maliban sa ibang mga kadahilanan, ang mga sistema ay mula sa paniniwala ng “ bigayang utang” o pautangan ng kung saan ang bawat tao ay may karapatan na kumuha, at may responsibilidad na magbigay, sa sistema. Kung ang isang miembro ng pamayanan ay kumuha ng pera o utang mula sa kanilang bilang o account, sila ay nagpapalabas ng pananalapi ay ito pinagtitibay ng kanilang pangako na mabayaran ang kanilang utang sa pamamagitan ng kita mula sa iba. Ang pamamahala ng sistema, samakatuwid, ay hindi talaga gumagawa ng pananalapi kundi ito ay isang simpleng bagay para magbigay sa ikatlong partido o third party, serbisyo-transakyon na isinusulat, binibilang at iniipon ang mga impormasyon na kanilang mga miembro: ang kanilang ipinapagbibili at binibili.
Ang mga sistemang ito ay lumabas ayon sa pagpuna sa makapangyarihang ekonomiya na mula sa utang. Ang mga sistemang ito ay disenyo o ayos laban sa ekonomiya na mula sa utang. Ang pera ng makapangyarihang ekonomiya ay pag-aari ng mga Bangko na ipinalalabas bilang utang para sa mga gobyerno, sa kulang na kailangan para mapanatili ang kanyang halaga at maikalat kahit saan. At dahil itong klaseng pananalapi ay mapalaganap sa loob at labas ng mga rehiyon, ay nagkaroon ng problema: ang pananalapi ay dapat maging kulang para mapanatili ang kanyang halaga sa mga dayuhang pamilihan pero merong sapat sa bansa para sa pagpapalitan. Sa mga panahon ng krisis sa pang-ekonomiya, ang ganitong problema ay humahantong sa masamang sitwasyon at nakakasira sa magandang pakikipagbagay ng mga tao. Ganito ang mahalagang bagay na ginagampanan ng pampamayanang pananalapi, pinupunan ang kung ano ang kulang, pinanatili nito ang patuloy at maayos na pagtakbo ng ekonomiya ng bansa habang ang pambansang pananalapi ang siyang pambato sa pang-internasyonal na kalakalan.
Marami pa ring mga bansa ang mayroong tradisyonal na mga sistema ng palitan ng produkto at pagkakaisa at ito ay patuloy at nanatiling natatag. Kadalasan, walang salaping magagamit para pambayad sa serbisyo o sa pangangalakal sa halip ay nagpapalitan na lang sila ng mga produkto sa produkto o produktp kapalit ng serbisyo or barter. Kagaya halimbawa ng shells o kabibi o anumang bagay na nagpapakita ng halaga ay ginagamit na pambili o pambayad kagaya rin ng pera o salapi. Ganito ang taglay na napakalumang kasaysayan ng karamihan sa mga bansa sa daigdig.
Ang pinakalumang salapi o pera ay iminarka or inilimbag sa mga tisa (clay tablets). Ang karamihan sa mga ito ay naglalarawan ng katibayan o resibo ng deposit o mga talaan ng pautang na maaring ipagpalit at ang iba naming tunay na naglalarawan ng serbisyo o bagay na pwedeng ipagpalit o ibenta.
Ito ay mula sa Babelonia na sinasabi ng Libro ng Pahayag o Book of Revelation sa Bibliya na masamang syudad sa gitna ng mundo kung saan nagsimula ang tubo na ibinabayad sa utang. Bagaman, sa simula ang tubo ay para lamang pondohan ang pagpapaunlad ng pangpamayanang programa sa ekonomiya at sosyal o pangtao at ganon rin para maiwasan ang pagkalugi. Pero ang masakit ay nakita sa bandang huli ay masamang resulta nito na naging pamamaraan ng pang-aapi at pang-aalipin.
Kadalasan, ang hari o namumuno ay mag-aatas na ang lahat na utang ay pawalang bisa at ang mga lupain na kinuha o kinumpiska dahil hindi makabayad sa mga utang, ay ipinabalik o ibinalik. Ang salita o kayarian para ditto ay ginagamit pa rin natin ngayon, “ang paglilinis ng mga sulatong bato”. Sa panahong yaon, ang mga tisa o clay tablets ay tinutunaw sa tubig o dinudurog o binabasag.
Noong gitnang mga panahon, ang mga magandang Katedral ng Europa ay ginastusan ng “Breakteats”, isang uri o porma ng pananalaping lokal na umiikot sa mga pamayanan. Ang mga ito ay ginamit para bayaran ang mga manggagawa na nag-alay o nagbigay sa maraming taon para sa mga ganitong proyekto. Sumakatuwid, ang pananalapi ay nagpagalaw o nagpaunlad ng mg proyektong pangpamatagalan.
Noong 1816, ang mga isla sa Guernsey at Jersey ng Inglatera ay nagpalabas ng kanilang sariling pananalapi. Noong panahon na gyera laban kay Napoleon, ang Gobyerno ng Britanya ay talagang nalugi na halos 80% ng lahat ng kita sa buwis ay napupunta lamang bilang mga pambayad sa mga bangko na nagpalabas ng pananalapi. Ang mga tao at materyales are naroon, pero walang pera (bilang paraan ng pagpapalitan) para mapagalaw ang mga kakayahan. Sila ay nagpalabas ng sariling pananalapi o pera at pagkatapos ng 18 buwan, nabayaran nila ang kanilang mga utang sa bangko, naisaayos ang mga kalsada, tulay, palengke, patubigan, nakapagpatayo ng isang simbahan at isang monumento o isang bantayog. Ngayon, mayroon silang 36 Milyon na Dolyares ng kanilang lokal na pananalapi para sa isang populasyon ng 60,000.
Pagkatapos ng Unang Pandaigdigang Gyera, noong 1920’s, ay nasa gulo
parin ang ekonomiya ng Alemania o
Matapos ang humigit kumulang na 10 taon, nagkaroon na
naman ng isang malaking pagkakamali sa Pamilihang Laan o Stock market,
na nag-resulta sa Pagbagsak noong 1929 at nag-resulta rin ng mga krisis
sa pera o pananalapi na kilala sa tawag na: “Malaking Kalungkutan o Kahirapan”.
At sa muli, daan-daang mga pamayanan o kumunidad sa
Sa pagkalat ng Depresyon sa Europa sa buong mga taon ng 1930, ang mga sistemang pananalapi sa pamayanan ay nagsimula sa Alemania, Scandinavia at mga kalapit na bansa. Sa ibang estado ng mga sitwasyon, ang mga sistema ay ginagamit bilang “negatibong tubo” sa kanilang pananalapi na ibinabayad sa pagsirkulasyon para pasiglahin ang sirkulasyon o pagdaloy at maiwasan ang pagtatago o pag-iipon ng pananalapi. Ang mga humahawak lamang ng pera ang dapat magbayad ng buwis para dito.
Si Herr Hebecker ng Schwanenkirchen, Bavaria (may 500 populasyon) ay nagmamay-ari ng isang maliit na kankarote na minahan ng uling. Sa halip na bayaran niya ang kanyang manggagawa sa pera ng Reichsmarks, siya ay nagdesisyon na bayaran na lang sila ng uling. Siya ay nagpalabas ng isang lokal na papel na tinawag na Wara kung saan sa likod o sa kabaliktaran nito ay mga maliliit na bilog na kung saan ang mga selyo ay pinagtibay. Ang papel na ito ay balido lamang kung ang selyo sa pangkasalukuyang buwan ay ginamit. Ito ay magastos itago dahil kailangan nito ang mga selyo na idikit o ilagay para maging balido ito sa katapusan ng bawat buwan. Ang mga selyo ay nagkaka-gastos ng 2% ng bawat isang papel na kanyang halaga para magamit sa susunod na buwan. Ang “negatibong tubo” na ibinabayad ay minarapat bilang isang “gastos sa pag-imbak”. Ang pagkain at mga serbisyo ay binayaran sa pamamagitan ng Wara. At dahil nga ito lamang ang pananalaping naroon sa mga minero, ang lokal ng mangangalakal ay walang ibang paraan o opsyon kundi tanggapin na lamang at hikayatin ang kanilang mga tagabigay ng kailangan na tanggapin din ito. Ito ay naging matagumpay na ang baryo o barangay ay nawalan ng utang noong 1931 at ang ganitong malayang samahang pang-ekonomiya ay kumalat sa loob ng Alemania sa higit na bilang na 2,000 na mga negosyo. Ang 20,000 Wara ay ipinalabas at 2.5 milyon na tao ang humawak nito noong 1930 at 1931.
Sa huling taon ng 1930’s, ang mahinang Republika ng Espanya ay nakikipaglaban sa giyera laban sa Diktador na Fascist, Heneral Franco. Sa ibang probinsya ng Catalonia, ang ibat-ibang sistema ng pamamahagi ay naitayo sa pamamagitan ng pag-gamit ng mga listahan ng bilang at tiket para gamitin sa produksyon ayon sa mga pangangailang ng tao at ayon sa kanilang pagsisikap laban sa Fascist sa panahon ng giyera.
At mula sa katapusan ng giyera hanggang sa 1960’s, ito ay nagpapakita na ang paglago ng ekonomiya ay hindi tumitigil. At sa huling taon ng 1960’s, si Ralph Borsodi, isang kaibigan ng pangkaunlarang ekonomista, si E.F. Schumacher, ay sumubok ng isang matibay na pananalapi ayon sa isang basket ng mga pangangailangan. At noong 1970’s, ang mga interesadong pamayanan at mga tubong lugar ay ang pamumuhay ay naging moda o uso. Ang pagpapalitan ay naging popular na palipas-oras o gawain.
At noong 1980s, tayo ay pumasok ng panahon ng kaalaman. Noong 1981, isang IBM XT computer ay naipalabas sa pobliko. Si Michael Linto mula sa isla ng Vancouver, Canada, na dating nagtrabaho sa isang computer na gawain noong 1970s, ay siya ay naglikha ng isang lalagyan o database ng bilang o accounting. Noong 1982, ang Sistemang Lokal Pagpapalitan ng Kalakalan o Local Exhange Trading System (LETS) ay ipinakilala at naging pondasyon para sa isang sistemang Bigayang Utang na pampamayanang pananalapi. At kung saan ang mga lokal sistemang pananalapi ay umunlad o pinaunlad bilang isang tugon sa krisis pang-ekonomiya sa isang makapangyarihang ekonomiya, ang LETS ay pinaunlad bilang isang nararapat na tugon laban sa konbensyonal na pang-ekonomiya, at ito ay ginawa laban ditto para maisaayos ang pamumuhay ng mga lokal na tao.
Sa pagsaaayos ng LETS, pinahiwahiwalay ni Linton ang magulong sistema ng konbensyonal na pera bilang isang tambak na halaga at isang gamit pagpapalitan sa mga ibat-ibang bahagi. Nakita niya na ang pera sistemang pangkaalaman para sa paglilista ng pagsisikap ng tao, at nakita rin niya na walang pagkakaiba ang pera bilang gamit pagpapalitan at pulgada ng haba ng isang piraso ng kahoy.
Sa pag-gamit ng analohiya o pagkukumpara ng isang manggagawa ng bahay, na kung halimbawa ay ang manggagawa ng bahay ay pupunta o pumunta sa nagbebenta ng materyales at sabihin o sinabi sa kanya na hindi ka pwedeng bigyan ng kahoy dahil dahil sa walang sapat na pulgada na gamiting pangsukat ditto. Ganoon rin kung ang mga materyales at pantaong kayamanan ay naroon, bakit natin tinatangap na walang sapat na pera para pagalawin ang ekonomiya. Ang pera, isa lamang kaalaman at pangangailangan and hindi rin kumakatawan na isang imbakan ng halaga sa parehing panahon. Sumakatuwid, kung ang mga impormasyon ay maitatago sa isang computer, hindi na ito kailangang ilimbag sa papel sa hugis ng isang tanda o sulat o note.
Ngayon kung ang pera ay isa lamang impormasyon o kaalaman, ito ay hindi dapat maging kulang. Hindi naman sa sinasabi na ang kailangan ay di-limitado, ito siguradong limitado dahil sa ibat-ibang kadahilanan. Gayon man, ito ay laging naroroon kung kinakailangan. Ang responsibilidad sa pagpapanatili ng halaga ng pera o salapi ay ibinigay sa tao na nagpalabas nito. At dahil ditto, ang LETS na pananalapi ay nakilala bilang isang “personal na pananalapi”.
Sa halip na tingnan ang LETS bilang isang alternatibo, nakita ni Linton ang LETS bilang isang katulong sa ekonomiya, kagaya ng isang bakal na ginagamit sa timbangan o lever para mabigyan ng magandang direksyon ang konbensyonal na ekonomiya para sa magandang destinasyon o paroroonan. Ang pagkakaintindi sa mga mekanismo ng pamilihihan are magaling, at ang kagalingan ay palaging magandang bagay, ipinakilala na ang samahan para sa isang pang-ekonomiyang aktibidad na ayon sa pamilihan.
At bilang ang sistemang LETS ay ang pagsusulat lamang ng mga transakyon at ang pag-iingat ng mga bilang, at hindi talaga nagpapalabas ng pananalapi o kontrolin ito sa anuman paraan, ito ay isinaayos ni Linton bilang isang sistema na libre sa interes o walang tubo. Sa ganitong pamamaraan, ang kaanib o miembro ay nanagot sa pag-gamit ng kanilang sistema, at ang sistema ang nag-aayos sa tamang pag-gamit nito. Ang katotohanan na ang LETS na pananalapi ay laging sapat sa kailangan, na ito ay nanatiling nasa loob ng lokaliti o pamayanan na kung saan ito ay ipinalalabas, at ito ay ipinalalabas ng mga kaanib o miembro at walang interes o tubo na binabayaran para dito, ay makikita na ito ay talagang tumutulong sa kung ano ang kulang sa konbensyonal na pang-ekonomiya.
Sa Toronto, isang walang kaparehong pamamaraan ng isang walang propit na organisasyon na nagpapalago ng pondo ay binabayaran ng mga malaking dibidendo. Ang Toronto na Dolyar ay isang pananalapi na umiikot sa loob ng isang yugto ng panahon sa St. Lawrence na Pamilihan. Ang mga tao doon ay nakakapagdagdag ng kani-kanilang kontribusyon sa mga kanilang non-profit na mga organisasyon sa pamamagitan ng pagpapalit ng kanilang mga Canadian Dolyar para sa mga Toronto Dolyar. Ang mga negosyo o negosyante sa kanilang pamilihan ay tinatanggap ang Toronto Dolyar at pwedi pabaryahan sa 90% ng kanilang halaga, at sag anon nakapagbibigay sila ng 10% ng kanilang beneta sa non-profit na organisasyon. Sa karagdagan, ang Toronto Dolyar ay mayroong lumilipas na petsa, at sumakatuwid ang iba ng mga Toronto Dolyar na hindi nagamit o nagastos ay nangangahulugan na isang malaking kontribusyon para sa nasabing non-profit na orgnisasyon.
Noong 1994, ang Tianguis Tlaloc, ang unang makabagong uso
o moda ng pangpamayanang sistema ng pananalapi ay nagsimula sa kapatagang
lupa sa tabi ng bundok ng Mezquital sa estado ng Oaxaca sa
Noong 1995, isang grupo ng mga Arhentinong nangangalaga ng kapaligiran o environmentalists ang nagraos ng isang pagbebenta sa kanilang garahe. Samantala, ito ay hindi isang pulgas na pamilihan. Ang bawat isa ay nagdala na dapat nilang ibenta and nakatanggap ng ng mga tiket na kumakatawan sa pera. Ginagamit nila ang mga tiket para sa palitan at nag-tagumpay ito. Ang network global ng pagpapalitan or Global Exchange Network (RGT) ay lumago, at ngayon ay kumakalat sa buong bansa para maging pinakamalaki na pambansang pamayanan network ng pananalapi sa mundo, na mayroong 500 ng mga sistema, 500,000 ng mga miembro at maraming milyon ng dolyar na umiikot bawat taon. Ang pambansang gobierno ay kumakailan lamang ay lumagda sa isang kasunduan sa Global Exchange Network o ang pangpapalitang pambuong mundo para isaayos ang isang relasyong pangsamahan o kooperatiba.
Isang bilang ng mga probinsiya sa Arhentina ang nakaranas rin ng pagpapalabas ng kanilang sariling pananalapi. Kung ang nasyonal na gobyerno ay hindi kayang mabigay o mag-lipat ng mga pondo sa mga probinsya at walang silang perang pambayad sa kanilang mga empleyado. At sa halip na maghintay, sila nagpalabas ng kanilang sariling “Debt-Cancelling Bonds”, mga pang-gobyernong bonds na ipinalalabas kagaya ng mga unit ng pananalapi na katumbas ng Peso sa Arhentina. At ang pag-aaral sa ekonomiya ay nagpakita na kung ang mga pananalapi ay umiikot, and inplasyon o ang problema sa kakulangan ng pera sa mga probinsyang ito ay bumababa, kung ikompara sa ibang lugar sa Arhentina.
Ang Network ng Global na Pagpapalitan o Global Exchange Network na bilang isang modelo or halimbawa ay kumakalat na ngayon sa buong timog at sentral Amerika na may mga sistema sa Uruguay, Brazil, Chile, Peru, at Colombia, na may proyekto rin na ginagawa pa sa El Salvador at sa kung saan pa na nagbubukas na maging isang unang internasyonal na walang tubo o interes sa sistemang pagpapalitan bilang isang tugon o sagot sa World Trade Organization o Organisasyon ng Pandaigdigang Pangangalakal at ang nakakasira nitong epekto bilang global na pagpapalitan mula sa utang.
Noong 1997, isang miembro ng French LETS ang bumalik sa kanyang
bayang sinilangan ng
Noong 1998, isang pamayanan sa hilagang-silangang
Noong 1999, ang Japan ay nasa sitwasyon na ayusin ang
kanilang ekonomiya para makabawi mula sa Krisis Pang-ekonomiya sa Asia.
Ang mga tao ay nagtatago ng kanilang pera dahil sa
takot sa susunod na depresyon o matinding kahirapan habang ang
ekonomiya ay nangangailangan na ang mga tao ay gumastos. Ang upang pasiglahin
ito, ang Gobyerno ng Hapon ay nagpalabas ng isang pansamantalang pananalapi na protektado ng 750 Milyon
Sa Indonesia, ito ang bansa na ang epekto ng Krisis Pang-ekonomiya ay napaka-grabe, at ang magulong politaka matapos patalsikin si Heneral Suharto. Ngunit sa kabila nito, kailangang bumawi ang Indonesia mula sa krisis. Ang mga presyo ng mga bilihin ay napakataas pero ang kita at hindi tumaas at maraming milyon na Indonesians ang nabaon sa matinding kahirapan. Ang kanilang opisyan na minimum ng sweldo sa isang araw nooong 2001 ay humigit lamang na kaunti sa $1 US dolyar. At dahil dito, ang mga pamayanan ay nagsimulang maghanap ng mga alternatibo sa pagkaka-alipin sa kautangan sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng mga kakayahan at ang natural na kayamanan na mayroon sila para paglingkuran na mabuti ang kanilang pamumuhay: pamilya at komunida.
Ang nakalipas o kumakailan lamang na kapalpakan ng global na sistemang pananalapi na mula sa utang at ang mga pagsubok na pabilisin ang globalisasyon laban sa kagustuhan ng nakararaming tao at napakalalim na mga pagbabago sa kaalaman at komunikasyong pang-teknolohiya ay nagbigay na malaking pagkakataon para sa pagpapalaganap ng mga pananalaping pang-ekonomiya.
Sa pangkalahatan, masasabi natin na ang mga Pananalaping Pangpamayanan:
WAKAS – TAPOS – The End!