Manwal Na Pagpapalakad Ng Isang Pamamaraan  o Sistemang
Bigayang Pagpapautang  o Pautang Isang Maikling Balangkas at Gabay

Ni Stephen DeMeulenaere  - 2002 – 2005
stephen@complementarycurrency.org

Isinalin sa Pilipino ni Eric V. Encina
ericencina@yahoo.com

Ang isang pamamaran o sistema ng bigayanag pagpapautang ay isang sistema ng mga bilang or mga kwenta na nagpapahintulot sa mga gumagamit nito ang pagbibigay or paglalabas at pamamahala na kanilang mga personal at pansariling pananalapi para gamitin sa loob ng isang pamayanan ng mga mangangalakal o mga negosyante. Layunin ng pamamaraan o ng sistemang ito ay ang magkaloob ng karampatang dami ng salapi o tinatawag na “Pangkaloobang Pananalapi” na magagamit sa pagpapalitan sa mga malawak na mga uri ng  mga produkto at  mga  ibat – ibang serbisyo sa isang pamayanan.  At bilang ito ay isang pamamahala ng mga bilang or mga kwenta, ang kwarta o pera o salapi ay nagpalit-palit sa mga tao sa isang  tseke o listahan, at hindi sa mismong perang papel.

Ang pananalapi na ginagamit sa isang Sistemang Bigayang Pagpapautang o pautang ay ibinibigay lamang na walang tubo or sa isang tubong halaga (sa nararapat na tubo na galing sa tiyak na timbangan lamang) na  ginagamit pang-gastos sa pamamahala o administrasyon at  nagpapakita ng  pagpaparami ng Pangkaloobang Pananapi. Samakatuwid, ito ay kinakailangan na ibaba or panatilihin ang mababang gastos sa pamamahala. Ang sistema ay nagsisimula sa “wala” o zero, at ang lahat ng mga bilang o kwenta at nagsisimula rin at “wala” or zero, at ang mga kwenta or bilang ay isinasara o tinatapos sa  wala o zero rin. Para makasigurado na ang sistema ay tama sa timbang o balance, ang pamamahala ay hindi dapat lumikha or gumawa ng Pangkaloobang Pananalapi and gamitin ang mga ito sa loob ng sistema. At para makasigurado na ang sistema ay nasa tamang balance o timbang, ang resulta o halaga ng tiyak ng mga balanse ay binabawas mula sa resulta o halaga ng hindi tiyak o negatibo na mga balanse na lumalabas  o nagreresulta sa wala o zero.

And maiikli na gabay na ito ay magpapahintulot sa anong grupo ng mga tao, kahi saan, na para makapagsimula o makapaglagak na isang Sistemang Bigayang Pautang.

Balankas

1.      Pag-anib o Pag-kakasapi at mga kwenta or bilang

2.      Bulitin ng mga handog at  hiling

3.      Mga usapang or kaugnayang pang-negosyo

4.      Mga listahang pang-ingat o ginagamit

5.      Pagsasa-ayos ng Yugto ng kwenta o bilang (Katapusang Yugto)

6.      Sistemang Paglilinaw o Pag-aaral

7.      Pamamahala

8.      Kaunlaran

Karagdagan: Halimbawa ng isang kasunduan ng pag-anib o pag- miembro

1.      Pag-anib o Pag-kakasapi at mga kwenta o bilang

Bilang isang sistama ng Bigayang Utang na isang sistema ng mga kwenta o bilang, ang bawat kaanib o miembro ay binibigyan na isang pangangalakal na bilang or numero sa kanyang pag-sama na para nila gamitin na pambayad sa upa sa  bukasang bilang na ibinabayad sa anomang gastusin na galing sa nasyonal na pananalapi sa pagpapakad ng sistema. Sila nakaka-tanggap kung papaano gumagawa ang sistema, and kung ano ang mga produkto ang mga serbisyo ang  pangkasalukuyang  inihahandog ng mga miembro na naka bantala sa Bulitin ng mga handog.

Ang kanilang kwenta o bilang is ginagawa at inilalagay sa isang Account Holder’s Accounts binder or ang tagahawak ng kwenta. Ang unang tatlong kwenta o bilang sa sistema ay dapat na nakariserba para gamitin ng  pamamahala. Ito ay ang mga Kwentang Pamamahala  Numero Uno o #1, Balanse o Timbang na Kwenta ikalawa o #2, at ang Pondo ng Miembro o ng Kaanib, ikatlo o #3. Ang kwenta pamamahala o administrasyon ay tumatanggap ng salapi, pera, kwarta  mula sa samahan tuwing katapusan  para gamitin ito sa mga gastusin sa operasyon o pamamahala. Ang balanseng kwenta naman ay tumatanggap ng isang halaga o part eng halaga na para gamitin sa mga panahon na ang sistema ay hindi balanse o ang timbang ay hindi insakto (tingnan ang Sistemang Pang-aaral). Ang kwentang samahan naman na may pondo ay ginagamit para sa mga  pagkakaloob o pagbibigay, pag-papautang, pagpapa-unlad ng samahan o ng kaaniban and iba pang mga gastos sa ayon sa pagpapanatili ng isang masaya at umuunlad na grupo ng mga mangangalakal o negosyante sa isang lugar o pamayanan.

Halimbawa Ng Isang Listahan Ng Kwenta or Bilang:

Pangalan:                                                Kwenta/Bilang:

Petsa:                     Na May                       Bilang/Kwenta #:

Paglalarawan Ng Pangangalakal o Pagnenegosyo:      Pasok:     

Labas:

Balanse:

2.      Bulitin Bord ng mga Handog at hiling

Ang palengke or Mercado or pamilihan kung saan ang mga tao ay naghahandog and humihiling ng  mga produkto o mga bagay at serbisyo, tao man o papel. Kung ano man iyon, kahit anong pamamaraan ay palaging nag-reresulta sa personal na pakikipag-relasyon ng mga mangangalakal o negosyante. Bawat miembro, sa pag-bukas ng isang kwenta at sa anumang panahon ay kanilang ninanais, ang mga lista ng mga produkto o mga kailangang bagay o serbisyo na kanilang inihahandog or hinihiling (Pagbibigay or Pangangailangan)

Ito ay maaring gawin sa isang porma na isang Bulitin Bord sa isang publikong lugar or pamayanan, o bilang isang catalogo o talaan na pwedeng ipamahagi sa bawat kaanib.  Ang isang Pambalitang Sulat o Sulat – Balita ay maaring isama sa Bulitin Bord na may mga balita tungkol sa mga ginagawa o aktibidades at kaunlaran ng grupo.

Halimbawa ng Pisara ng Paunawa:

Mga Handog:                                              Mga Hiling:

Pag-aayos ng Bisekleta            Stephen                  Mga Sariwang Gulay    Barbara

Ang mga handog at hiling na ginawa ng mga myembro ay dapat isulat o ilista na may  mga  panguna, ang sumusunod ay isang halimbawa:

                  Pisara ng Paunawa ng mga Handog at Hiling

Mga Handog                                                                Mga Hiling

 

Agrikultura                                                                   Agrikultura

Negosyo/pangangalakal                                             Negosyo

Gusali                                                                           Gusali

Gawaing kamay                                                           Gawaing Kamay

Mga bata                                                                       Mga bata

Edukasyon/Pag-aaral                                                  Edukasyon

Kalusugan                                                                    Kalusugan

Pagkain                                                                        Pagkain

Transportasyon/Sasakyan                                         Transportasyon

Ibat-Ibang gastusin                                                     Ibat-Ibang gastusin

Pangalan/Lugar                                                           Pangalan/Lugar  

3.      Mga Usapan or Kaugnayang Pang-negosyo

Ang mga miembro o kaanib ng sistema ay kumukonsulta or tumitingin sa catalogo or Buletin Bord and tinatawagan or nakikipag-kontak sa bawat isa para makipag-kalakal o makipag-negosyo ng maayos. Maari silang makipagkalakal gamit ang pansariling o panloob na pananalapi, ang national na pananalapi or mag-desisyon ng makipag-palitan ng bagay sa bagay o isang kombinasyon ng mga produkto. Ang pangangalakal sa pansariling pananalapi ay ang pinaka babagay na opsyon, at ito lamang ang usapan na isinusulat ng Sistemang Bigayang Utang o sa English: Mutual Credit System.

Ang pamamaraan ng kwenta or bilang ayon sa kaayusan ng sistema is palaging tinatawag na “Double-Entry” o Dobleng Pagpasok. Ang usapang o ugnayan ay unang isinusulat doon sa Listahan Ng Usapan o Transakyon, at ito ay kasunod na isinusulat doon naman sa bawat listahang kwenta ng bawat mangangalakal. Ang transakyon or usapang pangangalakal ay isinusulat sa mga ibat-ibang pamamaraan: sa sumasagot na makinang telepono, sa tao, sa pamamagitan ng tseke o sa pag imprinta ng salapi-na kahit anong paraan ng transakyon is gagawin gamit ang pansariling o panloob na pananalapi, at ito ay dapat isulat doon sa Listan ng Transakyon. Ang  pambansang pananalapi at  usapang pamamalit ay hindi isinusulat sa listahan.

Ang indibidwal na ginagawang pagbabayad ay nanagot para sa pagsusulat ng transakyon o usapan, at ang tumatangap ay may karapatang malamang mabuti na ito ay nagawa o naisakatuparan ng maayos.

Petsa                                       Pangalan ng Nagbibigay                         Kwenta/Bilang #

Panggalan ng Tumatanggap         Kwenta/Bilang #          Paglalawan ng Kalakalan

Halaga

4.      Listahan/Bilang/Kwenta

Dahil sa ang transakyon ay isunusulat, ang kaalaman o inpormasyon mula sa Listahan ng transakyon ay gimagimit para i-abanse ang petsa ng bawat listahang bilang ng miembro o ng kaanib (#1 sa itaas). Ang bilang o kwentang listahan ay dapat ipa-copya pa pamamagitan ng photocopier o carbon na copya para ang administrasyon or ang namamahala ay paging may hinahawagang orihinal na copya or isang master copy.

At dahil sa ang listahan ng transakyon ay isang mahalagang dokumento or sulat, ito ay dapat din palaging ipinapakopya and itinatago sa isang hiwalay at ligtas na lugar o lokasyon.

5.      Pagsasaayos ng yugto ng kwenta o bilang

Iminumungkahi tuwing ika-lawa or ikatlong buwan ng yugto na ang Sistema ay dapat linawin.  Ang pagbabayad o singil administrasyon ay kinakailangan sa bawat kwenta o bilang. And bulitin bord ay dapat linawin at i-abanse, at ang listahang bilang or kwenta ay dapat lagging nakikita  ng mga miembro o kaanib.

Minsan sa isang taon, lalong lalo na sa Pangkalahating Pagpupulong, ang pambansang salapi ay gagamiting pambayad para sa mga kwenta o bilang sa susunod na mga taon. Ang mga tapos na kwenta or bilang are dapat linawin, at ang Sistema ay dapat ulitin para sa kasunod na taon. At bago isara ang isang bilang or kwenta, ang miembro o kasapi ay dapat ibalik ang kanilang kwenta o bilang sa balanse na wala o zero balance o kung hindi, ito ay babayaran mula sa #2 na Kwenta ng Balanse.

Sa bawat yugto, ang Sistemang Pag-aaral or Paglilinaw ay dapat kailanganing  idaos para mapanatili ang tamang pag-iingat ng kwenta o bilang.

6.      Sistemang Paglilinaw o Pag-aaral

Pagkatapos na ma-isaayos ang lahat na mga transakyon, ang total na tama or tiyak na mga balanse o timbang at  bawasin mula sa di-tiyak na mga balanse o timbang na dapat ipakita o ipalabas sa ikalawang piraso ng papel ng miembro na may mga pangalan at balanse. Ang bilang na ito ay dapat lalabas sa wala o sero. Dahil kung hindi, ito ay nangangahulugan na meron mali sa pagbibilang at ang Listahan ng Transakyon ay dapat na usisaing mabuti para malaman ang kamalian.

7.      Pamamahala

Ang mga sumusunod na mga katungkulan ay kinakailangan para sa sapat at murang operasyon ng isang Sistemang Bigayang Pautang.

a.      Ang namamahala. Ang namumuno or pinuno ng Organisasyon at ang pakikipamahala. Ang mga nagre-rehistro ng mga bagong kwenta, lista or tuusin, nagpapanatili ng Buletin Bord at nakiki-pamahala sa pagpapadala ng mga listahan ng kwenta, bilang o tuusin sa miembro nito.

b.      Taga-bilang. Ang humahawak at nagpapanatili ng mga limbro o aklat ng panloobin at pambansang pananalapi. Ang nagpapanatili ng mga kwenta, bilang o tuusin at  may tungkulin na tapusing mabuti ang parehong katapusang yugto at Sistemang Pag-aaral o Paglilinaw sa mga kwenta.

c.      Ang nagsusulat ng transakyon. Maari rin siyang maging taga-pamahala or isang magbibilang.

d.      Pinagkakatiwalaan. Ito ang palaging popular sa miembro, ang taong pinagkakatiwalaan ay siya ang nagpapataas ng kabuuan o integridad ng sistema, at may kapangyarihan bilang isang tagahusga sa pangalan ng kaaniban, at mayroong karapatan na tanggihan ang mga hindi na nararapat na mga transakyon.

Mismo ang mga kaanib o miembro ay maari ding makapagtayo ng mga lupon o kumite para Gawain ang anu mang aktibidades na sa kanilang pakiramdam ay kinakailangan at para na rin sa kapakinabangan ng mga miembro o kaanib ng isang Sistemang Bigayang Pautang na kagaya nito.

8.      Kaunlaran

Mayroon tayong libre na “software” na ginawa para sa  pangangasiwa ng isang Sistemang Bigayang Pautang, at ito ay tinatawag na “mlets” at ito ay makikita sa pamamagitan ng paghahanap sa “internet computer”. Maraming rin mga nagpapautang  na  sistema or grupo at ang maari pang iba ng mga maliliit na pautangan na pwede pakinabangan ng mga miembro o kaanib nito. Para tayo magkararoon ng pambansang pondo, pwede nating gamitin ang local na pananalapi. Samantala, ang isang malapad na sistema ay maaring mag-desisyon na lumilkha ng mga bagong sistema para makatugon o makatulong sa isang malakawak na iba-ibang mga pamayanan: relihiyoso, political, heyograpikal, medikal, edukasyonal at iba pang katulad. Ang mga ito ay mga  palagay o kuro-kuro na dapat pag-isipan para sa iyong grupo sa inyong lugar.

Ito ay  masasabi na hindi naman talagang kinakailangan  na mahirapan tayo para patakbuhin ang isang Sistemang Bigayang Utang. Ang mga kapakinabangan  na makukuha ng isang pamayanan ng mga tao lalong lalo na ng mga mahihirap ay  maa-aring napakalaki at maganda kahit na   ang mga tao ay hindi talagang mag-kakamag-anakan, at sila ay magiging malapit sa isat-isa sa pamamagitan ng isang Sistemang Bigayang Pautang.

Para sa dagdag na kaalaman, magpadala ng e-mail kay: Stephen DeMeulenaere: Stephen_dem@yahoo.com o tingnan ang http://www.appropriate-economics.org

Karagdagan: Halimbawa ng Isang Kasunduan Ng Miembro or Kaanib

Ang sumusunod na Kasunduan Ng Miembro or Kaanib ay ang “Kontrata” at “mga karapatan” ng mga humahawak ng bilang o kwenta ng isang Sistemang Bigayang Pautang. Ito ay nakabase mula sa KASUNDUAN na ginamit ng Sistemang Palitang Lokal Ng Pangangalakal or Local Exchange Trading System o LETS, subalit ginawa kong madali ito at inayos ang mga kaalaman para ito malawak na maisakatuparan. Ipaalam mo sa akin ang iyong iniisip. Ano sa palagay mo?

Sistemang Bigayang Pautang

Kasunduan ng Isang Humahawak ng Kwenta o Bilang

1.      Ang Sistemang Lokal Palitan Ng Pangangalakal or LETS ay nagbibigay sa mga miembro o kaanib ng isang kaalamang pangpalitan na sumusuporta sa pangangalakal, naglilista ng mga transaksyon and nag-iingat ng mga kwenta o bilang bilang paki-usap ng mga miembro o kaanib.

2.      Ang mga miembro o kaanib ay maaring desidido na makipag-kalakal gamit ang panloobing pananalapi para sa mga bagay na kanilang inilista sa isang Paunawa na karaniwan ay nakalagay sa Bulitin Bord.

3.      Ang mga bilang or unit ng panloobing pananalapi ay maari lamang ilipat mula sa isang bilang o kwenta ng isang miembro para sa iba sa pamamagitan ng pagbabayad ng miembero o kaanib or sa pamamagitan ng serbisyong bayad sa pamamahala.

4.      Ang Pamamahala ng sistema ay hindi lilikha ng panloobing pananalapi, at  ang gawain nito ay mapanatili ang sero na balanse sa loob ng bilog na sistema.

5.      Ang Pinagkakatiwalaan ay maaring itanggi na isulat o itigil or ibawal ang isang transaksyon na nakikitang di karapat-dapat, o nakakasama sa integridad o karangalan ng sistema.

6.      Ang isang bilang ng panloobing pananalapi ay sinasabing kumakatawan sa pinakamalapit na katumbas ng isang pambansang bilang ng pananalapi.

7.      Ang sinumang  humahawak ng kwenta o bilang ay dapat alamin ang kanyang bilang sa pangangalakal, balanse at paglilipat na ibang humahawak ng kwenta sa ano mang panahon o kahit kalian.

8.      Ang mga miembro o kaanib ay may pananagutan na ilista ang kanilang panloobing kita sa pananalapi para sa  kadahilanang buwis o layuning pangbuwis.

9.      Hindi na panangutan ng LETS o Sistemang Palitang Lokal Ng Pangangalakal  ang kalidad ng mga paninda or mga bagay or serbisyo nakalista at ipinapalit ng mga miembro o kaanib.

10. Ang Namamahala ay binigyan ng kapangyarihang magkolekta ng mga bayarin sa mga miembro sa kanilang kwenta sa panloob na pananalapi na base sa halaga na pinag-aralan ng Pinagkakatiwalaan na ayon sa miembro ng bord.

11. Sa pagtapos ng isang miembro at kung ito ay hindi na aktibo, ang miembro ay may pananagutan na ibalik ang kanilang balanse sa sero o wala, kung mayroon silang di-tiyak or negatibong balanse sa kwenta.

12. Ang mga utang na hindi nabayaran ay magiging pangkalahatang utang ng mga miembro ng LETS or Sistemang Palitang Lokal Ng Pangangalakal, at bayarin ng mga miembro sa isang hiwalay na lista sa Listahang Administrasyon o Listahang Pamamahala.

13. Ang Pinagkakatiwalaan ay maaring makiusap sa pangalan ng kamiembrohan na ang isang miembro ay may panibagong pangako para sa pamayanan at ang hiling or pakisap ay dapat ipahayag sa mga tao o publiko.

End - Tapos