Stephen DeMeulenaere
Stephen@strohalm.nl
Strohalm Foundation
2002
Isinalin sa Pilipino ni Eric V. Encina
ericencina@yahoo.com
Pagpapahayag Ng Suliranin:
Maraming mangangalakal sa mga pamayanan o komunidad at mga pamilihan ang naghihirap sa kakulangan ng sapat na mapagkukunan ng halaga o salaping magamit sa pangangalakal or pakikipagkalakalan or pakikipagpalitan ng mga produkto. Nagdudulot ito ng paghihikahos o panghihina ng isang pamayanan o komunidad, sa ugnayang pagkakabuklod ng pang-ekonomiyang – samahan ng mga mamamyan habang sila ay nakikipagkompetisyon sa kakapusan sa pananalapi o pera, ang maaring bunga o resulta nito ay ang pagdami ng mga krimen, karahasan at kawalan ng dignidad ng isang pamayanan o komunidad. Ang isang imunumungkahing solusyon dito ay ang pagpapabilis ng tatlong paraan ng palitan ng produkto sa palengke o pamilihan o merkado sa pamamagitan ng pagbibigay o pagpapalabas ng isang Pangpamilihang Pananalapi. Ang bawat isa ay may bagay na magagawa para sa iba, at ilan ding bagay na kakailanganin nila mula sa iba. Ang sumusunod ay maaring gamitin sa isang pamilihan o palengke or merkado kung saan ang mga produkto ay ipinagbibili o ibinibenta ng isang nag-kakaisang samahan, ang mg pang-ekonomiya ay naging mabuti para sa lahat.
Layon:
Ang Sistemang Pampamilihang Pananalapi ay nagkakaloob ng isang paraang magagamit sa pagpapalitan ng mga produkto o paninda sa isang palengke or merkado or tindahan or pamilihan sa paraang ligtas at malinaw, mababang halaga at madaling isagawa. Ang unang hakbang sa pagtatag ng isang ekonomiyang mga pagkakaisa ay ang pagsasaayos ng pagpapalitan ng produkto o paninda mula sa isang taong may ilang bagay na maiaalok sa mga nangangailangan o namimili, at ganon din naman sa ibang maga tao na nag-aalok ng kanilang mga produkto. Sa kahulihan, makapagpapahayag ang tagapagsaayos ng pangkat ng mga kuro-kuro tungkol sa produksiyong local, pagpapahiram ng maliit na puhunan, ang laki o dami ng pamimili para mapainam or mapabuti ang kooperasyong namamagitan, at ang makakatanggap ng benipisyo, ang mga kasapi ng pamilihan o palengke o tindahan o merkado. Mula sa local na mga pamilihan ang sistemang ito ay maari ring maging pangrehiyon at pangnasyonal or pambansa na magkakaugnay ng mga pangpamilihan kung saan umiikot o ginagamit bilang instrumento o bagay sa pagpalitan ng produkto o paninda ng Pampamilihang Pananalapi.
Ang Pinangmulan:
Noong 1995, sinubukan sa Arhentina ang tulad nitong Pampamilihang Pananalapi para mapasigla ang pagpapalitan at sa muling paggamit ng mga bagay para sa layuning pangkalikasan o pang-ekolohikal. Naging tanyag ang mga pamilihan, naging tanyag ang pamumuhay sa lungsod o syudad, ang pang-rehiyon at pangnasyonal ng mga samahan ng manggagawa ay nabuo. Gayon man, ang pagkakaroon ng mga suliranin sa pagpapatupad sa layuning ito ay kridibilidad ng Sistemang Pampamilihang Pananalapi ngunit nagkaroon ng mga problema. Sa pamamagitan ng ganitong Sistemang Pampamilihang Pananalapi ay naisatama ang mga kamalian na nagawa sa mga Sistemang Pampamilihang Pananlapi sa Arhentina.
Rasyonale:
Ang pagpapakilala ng isang pampamilihang pananalapi sa mga lugar ay isang napagandang pamamaran kung saan ang kakulangan ng pera o salapi ay makakatulong sa bawat isa. Ang kaunlaran ay nagmumula sa mga yaman, mga produkyon, mga serbisyo, mga kaalaman at kakayahan na may mayroon sila. Ang uri ng ganiton pamilihan ay isang halimbawa ng isang pagbabago sa isang komunida sa mga relasyong pang-ekonomiya na mag-re-resulta sa isang pagsulong sa mga relasyong pang-tao sa pamayanan.
Kapakinabangan:
Ayon sa karanasan sa Arhentina, ang sistemang ito ay murang o madaling simulan, sa maliit sa panimula at simple lang ang pamamalakad, at nagpapakita ng isang malaking kakayahan na lumawak sa mabilis na panahon sa iba pang mga pamilihan o tindahan or merkado. Ito ay lumilikha ng ayos o kalagayan kung saan ang mga kupon na may suporta-kredibilidad ng mga tao ay bigyan ng pansin, at ito ay makakapagbibigay ng katuparan o implementasyon sa mga iba pang abanseng sistemang pangpalitan sa pamayanan or komunida.
Ang Layunin ng Proyekto:
Ang pagpapalabas ng isang kupon para sa isang pamilihan para maisaayos o maisakatuparan ang pagpapalitan ng local ng mga produkto at mga serbisyo para makuha ng mga tao ang kanilang pangngailangang panglokal, lalong lalo na ang paglikha ng mga pagkakataon o oportunidad for sa bagong produksyon sa pamamagitan ng isang pamilihang-lugar para maisaayos ang palitang lokal. Sa pamamagitan nito, ang pamilihang-lugar ay nagpapasigla ng pangangalakal na hindi nangyayari sa pangkasakuyang sistema. At saka ito ay makakatulong sa pagtatayo na isang estruktura na garantisado ng mga tao na lilikha ng isang tradisyon ng responsibilidad na pantao o panlipunang pananagutan.
Mga Bagay na Kinakailangan:
. Mga serox ng mga kupon at bilangan ng bilang na mga piraso ng papel, na makikita sa katapusan nitong dokumento.
. Isang bilog na “rubber stamp” para sa harap ng bawat sulat o tanda.
. Kahit sampung (10) ibat-ibang parisukat ng mga selyo o tatak.
. Buletin Bord para sa listahan ng mga Handog at mga Hiling.
Hangarin Ng Proyekto:
Mga Resulta Ng Proyekto:
Koordinasyon:
Paghahanda:
Simula ng Pamilihan:
|
Pangalan ng Pamilihan |
Petsa ng Pagtitinda |
|||
|
Pangalan |
Paninda/ Serbisyo |
Halagang Natanggap |
Halagang Ibinalik |
Balanse |
Kung ang Kupong Pampamilihan ay Hindi Naibalik:
(Kupon – isang piraso ng papel o tiket na nagbibigay ng tiyak na karapatan sa taong humahawak nito.)
Pagpaplano sa susunod na Pagtitinda, at sa Hinaharap:
Mga Posibling Panganib:
1. Ang programang ito ay nangangailangan ng isang tapat atmapagkatiwalaang faciliteytor, bookkeeper, at ang taong uupo sa mga tungkuling ito sa hinaharap, ay kailangan ding tapat at mapagkakatiwalaan.
2. Ang mga proseso ay dapat maitatag na may tiyak na kalinawan at dobling pagsusuri ng iba pang tao.
3. Ang pinakakilala na tagapagtinda ang maaaring maingat na mag – ipon ng pamilihang pananalapi. Ang facilitator(s) ay siyang magbabantay nito sa pamamagitan ng pagsusuri sa dahon ng kautusan pagkatapos ng pagtitinda, at siya rin ang nagpapabuti ng mga istratehiya ng mga negosyante upang bawasan ang kanilang positibong balanse kung kinakailangan.
4. Kung may nakikitang maling sulat sa isang pamilihan, kailangang lumimbag ng bagong hanay ng sulat, at ang mga kalahok ay nararapat na pagbabayarin ng pantay – pantay para rito, ng sa gayon ang bawat kalahok ay magbabantay sa isa’t – isa upang maiwasan ang anumang pangyayari sa hinaharap.
Mga Serbisyo
Ang halaga ng mga produktong ibibinta sa palengke ay kailangang tama at may tatak na ng karampatang presyo at kung anong uri ang mga ito. Kung tungkol sa serbisyo ang pag – uusapan, hindi ganito. Kaya, dapat tantiyain ang uri ng mga serbisyong iniaalok ng mga manggagawa at kung ano ang tiyak na bilang ng serbisyo ang pinagagawasa loob ng pamilihan, ay iyon lamang ang nararapat nilanggawin. Kung dili, mas higit pa ang hanapbuhay o gawain ng mgamanggagawa kaysa sa mga nagtitinda ng mga produkto.
Katapusan o Resulta:
Ang pagtatatag ng isang sistema para sa isang pansariling kaunlarang pang-ekonomiya ay isang unang hakbang sa kahit anong progragramang pangkaunlaran. At mula sa sa isang pagbabago sa mga relasyong pang-ekonomiya sa mga tao, ang pagbabago sa relasyong pangtao ay makikita rin. Ang isang pamilihan para sa pagpapalitan o pagbebentahan ng mga produkto at mga serbisyo ay ang unang hakbang sa pagpapatayo ng isang ekonomiya ng pakikipag-isa na kung saan ang mga tao ay nakikipag-ugnayan sa pang-ekonomiya at pantaong pakikitungo, at ito rin ang nagbubukas sa pakikibaka sa iba pang mga bagay-bagay kagaya ng problema sa kapaligiran, krimen, pagplaplanong pang-pamayanan, kalusugan, kahirapan, at ang pagkakataon sa pamamagitan “maliit na pautang”, pangmalakihang pamimili, pakikasama o kooperasyon at iba pa.
Ang halimbawa ng Pampamilihang Pananalapi (ang hugis ay pwedeng gawing hiwa-hiwalayin at ayusin
Ang isang gomang pangtatak ay inilalagay na bilog para makilala kung ano o kung sino ang nagpapalabas na grupo o organisasyon o kung ano ang talagang pamilihan kung saan ang pananalapi ay gumagalaw o umiikot o ginagamit. Pagkatapos ng bawat pagtitinda, at ang lahat ng kwarta ay ibinalik na, ang isang gomang pangtatak ay ginagamit sa likod ng mga kwarta para malaman kung anong pamilihan ang nagdala, o malaman o makilala nag bayarin ay nabayaran at sumakatuwid ang nota o note ay balido. Sa ganitong paraan, ang bayarin ay pwede ring gawin sa bawat bilang ng mga kalahok. At dahil sa dapat ibalik ang mga nota o notes ng bawat pamilihan, ang pangtatak ay ginagamit pagkatapos na ang mga nota o notes ay naibalik, para nang sa ganoon ang pangtatak ay hindi na makilaka at makopya pa ang mga nota o notes.
_________________________________________________________________
1000
Pamilihang Kupon (Circle Here)
Ang kupon na ito ay gagamitin lamang para sa pangangalakal sa loob ng pamilihan at dapat ibalik pagkatapos ng bilihan o pamimili. And kupon na ito hindi pwedeng ipalit sa pambansang pananalapi.
Mga dumalong Pamilihan / Tatak Balido o Validity Stamp
Square box here
________________________________________________________________________
5,000 (same as above) 10,000 (save as above)
Pangalan Ng Pamilihan: Petsa Ng Pamilihan o Pamimili:
Pangalan Natangagap na Halaga Ibinalik na Halaga Balanse
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Kasunduan sa Pag-anib
. Ang mga bagong kaanib o miembro ay maari lamang lumahok sa pamamagitan ng rekomendasyon o pag-tukoy ng mga miembro na.
. Ang mga miembro o kaanib ay mananagot sa mga ugali ng mga bagong miembro o kaanib na kanilang nirekomenda na lumahok sa pamilihan.
. Ang mga miembro ay mananagot sa mga kamalian ng mga bagong miembro sa utang o pautang na kanilang tinanggap na dapat gawin sa mga kupon o sa pambansang pananalapi.
. Ang mga miembro o kaanib na nag-aalok ng mga produkto o bilihin at mga serbisyo ay dapat gumalang sa mga limitasyon o hangganan na ipinapatupad sa pamilihan para hindi magkaroon ng isang malaking pag-kakaiba sa dami ng mga produkto o bilihin o ng mga serbisyo na ipinagbibili sa pamilihan sa mga mangangalakal.
Tapos - End