Ang Sistemang Pang-kooperasyon Na Pangpamayanan Na Gumagamit Ng Isang Sistemang Pangbilang Na Mula Sa Kontribusyon.
By Stephen DeMeulenaere and Jordan Hofffman
Stephen@strohalm.nl jordanhoffman@yahoo.com
Isinalin sa Pilipino ni Eric V. Encina
ericencina@yahoo.com
Pagpapahayag Ng Suliranin:
Sa pag-aaral at gawaing programa sa Silangang Timor, ang problema ng “Free-Ridership”, kung saan ang mga tao ay hindi nagbibigay ng kontribusyon sa isang proyekto na nagbibigay ng benepisyo sa kanila, ay laging nagreresulta sa hindi maisakatuparang proyekto. Ang isang halimbawa ng ganitong proyekto ay maaring isang samahang patubig. Ang mga nagbibigay ng kanilang kontribusyon sa oras at trabaho sa ganoong proyekto ay nag-aatubili na gawin ito lalong lalo na ang iba ay hindi gustong magbigay na kontribusyon sa isang proyekto na wala namang sapat na dahilan.
Ganoon rin naman na ang mga tao na may kakayahan o kaalaman ay palaging inaasahan na makapagbigay ng kontribusyon. Isang halimbawa, ang mga taong may karanasan sa pag-kakarpentero, ang konkreto o trabahong pangbakal ay inaasahang gumawa ng malaking kontribusyon sa trabaho na maaring pang dagdagan ng iban trabaho kagaya ng pag-huhukay, paghahalo at pag-aalis ng mga bato at iba pa.
Layon:
Ang isang sistema para sa pagsusulat ng mga kontribusyon ay kinakailangan para ng sa ganon ang bawat tao o persona o pamilya na nakikinabang mula sa proyekto ay mananagot sa pagkontribusyon para dito. Sumakatuwid, ang bawat tao o persona na nagbibigay ng kontribusyon ay nakakatanggap ng pagkilala para dito, at ang bawat isang tao na hindi naman nagbibigay ng kontribusyon ay dapat rin managot sa ibang pamamaraan bilang ayon sa desisyon ng pamayanan sa mga gumagawa.
Pinagmulan:
Ang Bigayang Kooperasyon o Samahan ay isang matandang pangkulturang kagawain sa Silangang Timor at sa buong Timog-Silangang Asia. Samantala, ang ganitong sistema ay pinagsinamantalahan ng Pamahalaan o Gobyerno ng Indonesia sa kanilang kampanya sa sapilitang pagtratrabaho. Sumakatuwid, ang sistemang tradisyonal ng bigayang kooperasyon o samahan na napababa at ito ay dinadala ng mga samahan ng Indonesian Times. Sa bagong kalayaan ng bansa ng Silangang Timor, ang ganitong alalaala ay tampalasan at malupit.
Sa Bali, ang Sistemang ng Bigayang Kooperasyon o Samahan ay nanatiling matatag. Sa ganitong sistema, ang mga tao na nagbibigay ng kontribusyon sa mga proyekto ay nakakatanggap ng isang “ticket” o resibo na kapalit ng kanilang kontribusyon. At sa katapusan ng taon, o sa ibang yugto ng panahon na ibinigay ng Banjar Koordinator, mayroon silang pagsasaayos ng mga bilang o accounts. Sa mga nagbigay ng kontribusyon ay ipinakikita ang mga resibo. At sa mga hindi nagbigay ng kontribusyon ay pinababayaran ng pera o mga paninda na ipinamimigay naman sa mga nagbigay ng kontribusyon. Sumakatuwid, ang sistema ay walang daya, maliwanag at matatag hanggang sa ngayon.
Rasyonale:
Ang isang sistema sa pagsusulat ng mga kontribusyon sa mga proyekto na kasama dito ang sistema para sa pagsusulat ng mga tao na nakikinabang at ang nanagot sa proyekto, na pasiglahin ang mga tao na magbigay ng kontribusyon at wakasan ang problema sa “free-ridership” sa mga proyektong pangkaunlaran. Ang mga sistemang ito ay maaring magbigay ng suporta o tulong sa iba pang mga pamamaraan ng gawaing pangkooperatiba, pagpapasigla ng transparidad, pananagutan at ang kontribusyon ng lahat tao sa pamamaraang na-aayon sa kanila.
Ang Layunin Ng Proyekto:
Para isulat ang oras na ibinigay na kontribusyon sa isang proyekto at ayusin ang isang “wakes ng proyekto” at liwanagin para masigurado ang parehong kontribusyon ng lahat mga kalahok.
Ang Hangarin ng Proyekto:
Mga Resulta sa Proyekto:
Proseso:
Petsa Indibidwal Gawain Halaga Katapat Signatura
Aug. 5 Jose Gusmao Pangmayanang 3 oras sa
Proyekto sa pangkalahatang
Patubig trabaho
Ang Potensyal na Problema o Hindi-Kapakinabangan:
Ang programang ito ay kinakailangan ang isang matapat at pinagkakatiwalaang Koordinator/Taga-ingat ng lista o libro na nasa lugar ng proyekto araw-araw at oras na ginagawa ang trabaho.
Kongklusyon:
Ang isa sa mga kahinaan ng mga pangkaularang programa ay ang himukin o paganyakin ang mga tao na magbigay ng kontribusyon sa kanilang oras, pera, mga produkto o mga kaalaman para sa isang proyektong panglipunan. Ang problemang “free-ridership” ay isang mahalagang bagay sa ibang mga lugar, lalong lalo na, siguro sa mga nakadanas ng mga magulong sitwasyon kagaya ng Silangang Timor. Ang kasagutan o solusyon ay ang pangkalahatang trabaho na kasama sa isang eksternal na samahan o organisasyon na kung saan ang bawat isa ay kailangang magtrabaho, pero ito kinakailangan ng maraming taon: walang magsisimula o walang matatapos maliban ang mga tao ay binabayaran sa kanilang ginagawa. Ito ay hindi palaging maari at ang ibang mga pamayanan ay napapabayaan sa gitna ng mga panahon na ang mga eksternal ng organisasyon o samahan na mayroong ibang proyekto at may sapat nap era para matapos ang trabaho.
Sa mga sistemang pagsasakatuparan kung saan pinagtitibay at pinapapalakas ang mga tradisyonal ng mga porma ng kooperasyon at pagbibigayan, ang pagpapakilala ng mga konsepto ng malinis at kitang-kitang at buong responsibilidad o pananagutan, ito ay maarang makaganyak sa pamayanan na mag-trabaho para sa kapakanan ng bawat isa. At sa huli o katapusan, ang halaga ng programa ay mas mura kaysa ito ay isasakatuparan ng isang eksternal na organisasyon o samahan na ang resulta ay parang napakaganda at pangmatagalan, at ang isang kultura ng pangsariling-kaunlaran ay nililikha na binabago at pinalalakas ang mga sistemang pang-tradisyonal habang isinasama ang mga tao bilang isang paksa ng kaunlaran, at hindi lang bilang isang sangkalan o bagay na karaniwang nangyayari sa eksternal na mga proseso ng pangkaunlaran.